PINANGUNAHAN nina Scottie Thompson at June Mar Fajardo ang kani-kanilang koponan sa 2018 PBA All-Star Week na gaganapin sa Mayo 23 hanggang 27.
Ang Barangay Ginebra Gin Kings guard ang naging top vote-getter sa fan balloting sa nalikom na 33,068 boto kung saan pangungunahan niya ang Mindanao All-Stars.
Nasa ikalawang puwesto naman ang reigning four-time PBA Most Valuable Player at San Miguel Beermen center na nakaipon ng 32,135 boto para pamunuan ang laban ng Visayas All-Stars.
Nagtapos naman si Mark Barroca ng Magnolia Hotshots sa ikatlong puwesto sa natipong 31,810 boto para makakuha ng puwesto sa Mindanao All-Stars habang si James Yap ng Rain or Shine Elasto Painters ay tumapos na pang-apat sa fan balloting sa nalikom na 30,203 boto para mapabilang sa mga starter ng Visayas All-Stars.
Si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar ay nakakolekta ng 23,348 boto para makuha ang top spot bilang team captain ng Luzon All-Stars.
Ang PBA All-Star festivities ngayong taon ay magiging three-leg affair muli kung saan ang mga napiling manlalaro ay makakasagupa ang Gilas Pilipinas sa Digos, Batangas at Iloilo.
Ang mga starter ng Luzon All-Stars ay kinabibilangan nina Calvin Abueva ng Alaska Aces (18,655), LA Tenorio ng Barangay Ginebra (14,381), Paul Lee (14,095) at Marc Pingris (14,019) ng Magnolia.
Ang mga starters ng Visayas All-Stars ay sina NLEX Road Warriors rookie guard Kiefer Ravena (27,642), Barangay Ginebra center Greg Slaughter (21,016) at Globalport Batang Pier guard Terrence Romeo (20,720).
Ang iba pang starting five ng Mindanao All-Stars ay sina Jio Jalalon (26,850) at Peter June Simon (26,754) ng Magnolia at Blackwater Elite forward Mac Belo (21,732).
Narito ang top 10 para sa lahat ng tatlong PBA All-Star teams:
Luzon All-Stars: Japeth Aguilar – 23,348; Calvin Abueva – 18,655; LA Tenorio – 14,381; Paul Lee – 14,095; Marc Pingris – 14,019; Jayson Castro – 12,871; Mark Caguioa – 11,601; Marcio Lassiter – 11,265; Alex Cabagnot – 10,675; Arwind Santos – 9,666
Visayas All-Stars: June Mar Fajardo – 32,135; James Yap – 30,203; Kiefer Ravena – 27,642; Greg Slaughter – 21,016; Terrence Romeo – 20,720; Joe Devance – 18.009; Roger Pogoy – 13,908; Jeff Chan – 13,472; Chris Ross – 12,468; Aldrech Ramos – 9,123
Mindanao All-Stars : Scottie Thompson – 33,068; Mark Barroca – 31,810; Jio Jalalon – 26,850; Peter June Simon – 26,754; Mac Belo – 21,732; Cyrus Baguio – 15,583; JP Erram – 15,161; Rafi Reavis – 14,831; Baser Amer – 14,340; Sonny Thoss – 11,577