ESPESYAL ang Holy Week coverage ng Unang Hirit ngayong taon dahil live nitong ihahatid ang mga ulat mula mismo sa Holy Land sa Israel.
Nagsimula na nitong Huwebes, napanood si Rhea Santos mula sa iba’t ibang pilgrim sites doon na konektado sa passion, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Bibisitahin din ng Unang Hirit ang iba pang mga lugar dito na naging bahagi ng buhay ni Hesus tulad ng Bethlehem, Jordan River, Sea of Galilee, at maging ang Mount of Temptation.
Bukod sa mga ito, ipakikita rin ng Kapuso morning show ang mga lokal na kaugalian sa Israel at mga bagong tuklas na kainan, tulad na lang ng “Pinoy Carinderia”.
Mapapanood ang espesyal na Holy Week coverage ng Unang Hirit hanggang sa susunod na Miyerkules, March 28, sa GMA 7.