Jessy bubuhayin ang career sa Ang Probinsyano

JESSY MENDIOLA AT COCO MARTIN

SI Jessy Mendiola na ba ang bagong ka-loveteam ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ipinakita na ang karakter ni Jessy bilang doktorang tutulong na gamutin ang mga sugatang miyembro ng Vendetta ng Pulang Araw na nagapi ng grupo nina Hipolito (John Arcilla) at Alakdan (Jhong Hilario).

Halos dalawang taon din nu’ng huling mapanood si Jessy sa telebisyon (Maalaala Mo Kaya, 2016) at nitong 2017 naman sa pelikulang “Extra Service” kasama sina Coleen Garcia at Arci Muñoz.

Ano ba ang naging problema at tila binuro ng Kapamilya network si Jessy? O, baka naman ginusto rin ng dalaga na magpahinga muna o magpapayat bago humarap sa kamera?

Sa mga fans ni Jessy ay siguradong masaya na sila dahil mapapanood na nila ang aktres at sigurado rin kami na mas lalong masaya ang boyfriend nitong si Luis Manzano.

Read more...