Rhian ‘Tambok Queen’, Jason may pa-kilikili sa mga beki

RHIAN RAMOS

RATSADA na sa pagbibigay-init ngayong tag-init ang cast ng GMA romcom na The One That Got Away.

Take note na hindi lang ang female cast na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos ang naglantad ng kanilang katawan kungdi maging ang male cast na sina Renz Fernandez, Ivan Dorschner, Jason Abalos and yes, pati si Dennis Trillo. Dumagdag pa sa hot bods si Solenn Heussaff na ayaw rin pakabog kina Lovi, Max at Rhian, huh!

Sa photos na ipinadala ng GMA Corporate Communications, may pakili-kili effect si Jason na talagang ni-like ng mga beki, habang may pa-backless naman si Rhian sa suot na swimsuit at pasilip ng kanyang tambok, huh!

Simple lang naman ang suot ni Lovi sa nakita naming photo pero lutang na lutang pa rin ang kanyang sex appeal.

Eh ang bongga lang sa female cast, wala silang keber na magpaseksi sa TOTGA at pagiging maharot sa mga lalaki, huh!

Read more...