Pulis-QC dedo sa Dengvaxia?

ITINANGGI ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronaldo dela Rosa na namatay ang isang pulis-Quezon City Police District (QCPD) Station 6 matapos mabakunahan ng Dengvaxia.
Sa briefing, sinabi ni dela Rosa na leptospirosis at hindi Dengvaxia ang ikinamatay ng pulis.
“Merong silang (PNP Health Service) findings na leptospirosis ‘yung kinamatay, so far ‘yung lang ang pinanghawakan nating facts about the case,” sabi ni dela Rosa.
Ito ang sagot niya sa sinabi ni PAO forensic chief Erwin Erfe na posibleng namatay ang biktima sa Dengvaxia.
Pero ayon kay dela Rosa, hindi kabilang ang 50-anyos na pulis sa 4,000 miyembro ng PNP na nabakunahan ng Dengvaxia dahil 45-anyos pababa lamang ang nakasama sa programa.

Read more...