Nadine nahirapan sa ‘hallway kissing scene’ nila ni James

AYAW munang ibandera nina James Reid at Nadine Lustre kung saan sila magbabakasyon ngayong Holy Week.

“Secret muna, makikita n’yo na lang!” chika ni Nadine sa nakaraang presscon ng bagong movie nila ni James na “Never Not Love You” showing on March 30, Black Saturday.

Sey naman ni James, “Excited! The culture, the temples, things like that. I don’t wanna say too much.”

Speaking of their latest movie, “Never Not Love You” directed by Antoinette Jadaone under Viva Films, naikuwento ni Nadine ang isang eksena sa pelikula na medyo nahirapan siyang gawin. Ito ‘yung naglalakad sila ni James sa isang hallway habang naghahalikan.

“Mayroon kasing scene doon na parang magmu-move in si Joanne (karakter niya) sa condo, the one in the teaser. Mahirap na shoot din, gusto ko kasi ‘yung mga ganu’n mahirap at may effort talaga kasi naglakakad kami sa hallway and at the same time nagki-kiss kami so, parang nahirapan ako,” chika ni Nadine.

Read more...