Kalabaw nanuwag; 1 patay

Natagpuang patay ang isang lalaki nang suwagin ng kalabaw na kinakabitan niya sana ng kariton, sa Talisay City, Negros Occidental, nitong Martes.
Nadiskubre ang bangkay ni Juan Barcillo, 45, sa Hacienda Mana-ul, Brgy. Matab-ang, dakong alas-6 ng umaga, ayon sa ulat ng Negros ccidental provincial police.
Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-2 ng umaga ding iyon ay kinakabitan ni Barcillo ng kariton na panghakot ng tubo ang isang kalabaw, pero bigla siyang sinuwag ng hayop.

Read more...