Alden pinaligaya ang matandang babaeng naka-wheelchair; sa beach magho-holy week

ALDEN RICHARDS

NASAKSIHAN ng mag-asawang Cookie at Joy Yatco kung gaano kapopular na artista si Alden Richards nang mag-meeting sila para kuning kauna-unahang celebrity endorser ng kanilang produkto, ang Cookie’s Peanut Butter.

Kuwento ni Joy sa ibinigay nilang media launch para sa Pambansang Bae last Tuesday, pinili nilang sa isang lugar sa Laguna sila mag-usap para iwas na ring magkagulo ang mga tao.

“Pero nagkamali kami. Nu’ng nandoon na kami sa venue ng meeting namin, hindi na nakalabas ng comfort room si Alden sa dami ng taong gustong makita at magkaroon ng picture sa kanya.

“Hinarap naman ni Alden ang mga tao pero ang touching sa amin, nang lapitan at yakapin niya ang isang matandang babae na naka-wheel chair. Kaya naman bilib na bilib kami ng asawa ko sa kabaitan niya,” pahayag ni Joy sa launch ni Alden.

Sa pagkuha nila kay Alden, lumakas ang benta ng Cookie’s Peanut butter pati na ang Mani ni Cookie at Kasuy ni Cookie.

“Masaya ako at bahagi ako ng Cookie’s Peanut Butter family. Napakasarap nito at magandang source ng protein na tumutulong sa akin na maging strong at laging energized,” pahayag ni Alden.

Ngayong Mahal na Araw, sa Dakak, Zamboanga siya magbabakasyon. Beach muna sila sa mga unang araw ng Semana Santa pero pagdating ng Biyernes Santo hanggang Easter Sunday ay magkakasama sila sa bahay ng pamilya.

“Yun lang kasi ang araw na walang trabaho. Normal na tao lang ako at walang usapang showbiz.

“Sa ganitong araw, I observe fasting at nakikinig ng Seven Last Words na bilin palagi sa amin ng aking lola. Then sa Easter Sunday, sama-sama pa rin kami,” saad pa ng Pambansang Bae.

After Holy Week, pupunta na siya sa Toronto, Canada at New Jersey para sa “Sikat Ka, Kapuso” shows ng GMA Pinoy TV.

“Diretso ako sa New York after ng shows kasi gusto kong mag-sit in sa class ng acting teacher na si Anthony Bova. Feeling ko kulang pa ‘yung kaalaman ko sa acting. Mali pala ‘yung akala ko na marami na akong alam.

“Of course, pasyal din sa New York at pag may chance, manonood ng live musical plays. Pagdating ko rito, ‘yun namang soap ko ang aasikasuhin and possibly, isang movie. Nami-miss ko na rin ang umarte,” katwiran pa ni Alden.

Pagdating sa magiging kapareha niya, wala namang problema kung sino ang itambal sa kanya pero mas gusto pa rin niyang ka-loveteam si Maine Mendoza dahil gamay na nila ang isa’t isa.

Read more...