NGAYONG buwan ng Marso, nakikiisa ang buong lalawigan ng Cavite sa pagdiriwang ng International Women’s Month.
Anchored on the threme “We Make Change Work for Women,” kaagapay ang mga kababaihan sa mga magagandang pagbabago na nangyayari sa buong Cavite, kabilang dito ang tuluyang pagpapatupad ng Magna Carta For Women o R.A. 9710, thanks to the able leadership of Gov. Boying Remulla sa pagkakapantay-pantay ng lahat.
Bukas, March 23, isang malaking selebrasyon ang gaganapin sa Kapitolyo ng Cavite, kung saan bibigyang-parangal ang mga kababaihan ng Cavite na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang kapwa kababaihan upang manindigan at maging matagumpay sa kanilang larangan.
Para sa 2018 Cavite Outstanding Women Leader in the field of business/entrepreneurship ay si Ms. Neri Naig-Miranda, na ngayon ay taga-Amadeo na, para sa kanyang bakery, ukay-ukay shop at Neri’s Gourmet Tuyo.
Balitang nagsisimula na ngayon si Neri sa pagpapa-franchise ng kanyang negosyo.
Ipagkakaloob naman kay Hon. Mayor Dahlia Loyola ang parangal sa larangan ng local governance, at ang kilalang Caviteña na si Mrs. Dantes sa larangan naman ng entertainment.
Inaasahan ang pagdalo ni Sen. JV Ejercito bilang guest speaker kasabay ng isang ribbon-cutting ceremony ng hair donation drive ng Cavite provincial government kasama ang Cuts Against Cancer, Multi-Media Service Cooperative at Encarnacion Group of Salons sa pagsuporta ng Cavite sa mga bata at kababaihang may kanser.
Magkakaroon din ng libreng face lift and mud pack facial para sa mga kababaihan at surprise beauty gift packs para sa mga lalahok.
Siyempre, hindi maaaring mawala sina Cavite Vice Governor Ramon “Jolo” Revilla III, 7th District Board Member and co-chairperson ng Cavite GFPS na si Reinalyn Varias at ang women-leaders ng kooperatiba ng buong Cavite.