Sarah G. bagong version ng babaeng walang pahinga!


KASADO na ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo, ang “This Is Me,” na magaganap sa Araneta Coliseum sa April 14. Ipamamalas muli ni Sarah ang marami niyang talent at accomplishments sa nakaraang 15 years niya sa entertainment business.

Sabik na sabik na ang mga taong mapanood uli si Sarah sa concert stage kaya naman mas marami siyang paandar at pasiklab na ipakikita sa “This Is Me.” Ito’y mula sa direksyon ni Paul Basinillo, with Teacher Georcelle as dance director habang si Louie Ocampo naman ang musical director.

Bukod sa paghahanda sa concert, tinatapos din ng Pop Star Royalty ang pelikulang “Miss Granny” with James Reid and Xian Lim, pati na rin ang kanyang bagong album. Kaya siya na ngayon si Sarah, ang babaeng walang pahinga!

Read more...