‘Utak ng ilang kandidata sa Bb.Pilipinas 2018 na nakapasok sa Top 15 napunta sa high heels!’


PREEMPTED ang Gandang Gabi Vice last Sunday to give way to the 55th Binibining Pilipinas, where as expected Catriona Gray (Binibini 20) was crowned Bb. Pilipinas-Universe also taking home most of the special awards.

Save for some minor forgivable lapses sa pag-Iingles, mahusay sumagot si Catriona.

Pero ang mas nais naming i-discuss sa kolum na ito’y si Richard Gutierrez who was Pia Wurtzbach’s co-host.

Medyo stiff at unrelaxed si Richard, halatang conscious sa kanyang mga spiels. Kulang din siya sa input o adlib kumpara kay Pia.

Bale ba, ang pagbitin ni Richard ng number ng tinatawag niyang candidate seemed confusing on the part of the cameramen (anti-climactic for the audience and home viewers alike).

But Richard—being an ABS-CBN talent—ay ‘yun na ‘yon. Wala ka nang pagpipilian sa mga hanay ng mga male artists ng Dos—given the stature—na maaaring mag-host ng ganu’ng pageant.

Tuloy ay hindi namin mapigilang magbalik-tanaw sa mga nagdaang Binibining Pilipinas exercises na kumuha ng iba’t ibang mga male hosts. Hindi lang actually the said pageant kundi ang ilan pang timpalak ng kagandahan.

Of course, credit goes to Eddie Mercado, ang maituturing na local counterpart ni Bob Barker of Miss Universe fame. Pero nariyan din ang mga tulad nina Ariel Ureta at Apa Ongpin. Nasaan na kaya sila ngayon? Huwag ding isnabin si Paolo Bediones.

At bago pala namin makalimutan, nabasa namin na bago ganapin ang coronation night ay ipinagmalaki ng pamunuan ng BPCI na ang nasabing batch had the most number of pretty faces in its entire history.

Undeniably yes. ‘Yun nga lang ay lagi nating ipinauunawa na hindi sapat ang ganda lang. Kailangang meron ding “something” sa pagitan ng dalawang tenga ang sinumang pageant hopeful.

Nakaka-disappoint nga lang makakita that most who made it to the Top 15 “walked” with heavy feet suot ang kanilang high heels, napunta kasi ang weight of their brains sa talampakan.

Read more...