Naharang si Kim Vegar Kristoffersen, 29, ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport matapos dumating sakay ng Emirates flight EK338 galing ng Dubai.
Sinabi ni BI spokesperson Ma. Antonette Mangrobang, na lumipad si Kristoffersen mula Oslo, Norway para puntahan ang kanyang Pinoy na boyfriend na nakatira sa Concepcion, Tarlac.
Idinagdag ni Mangrobang na matagal nang minomonitor ng mga otoridad si Kristoffersen, na isang aktibong internet user, na naghahanap ng kanyang bibiktimahin sa e-mail at Facebook.
“Nordic investigators were able to trace communications and money transactions between the two lovers which enabled them to alert authorities here about Kristoffersen’s scheduled trip to the Philippines,” sabi ni Mangrobang.
“We have been very strict and vigilant in turning away these sex offenders because they pose a serious and real threat to Filipino children whom they might abuse if they managed to enter our country,” dagdag ni Mangrobang.
Apat na beses nang nasintensiyahan si Kristoffersen sa Norway dahil sa pangmomolestiya sa mga bata.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na agad na ipinabalik si Kristoffersen sa Dubai.
“He was immediately excluded and booked on the first available flight to his port of origin. Afterwards, he was placed in our blacklist to ensure that he is denied entry again if he attempts to return to the country,” sabi ni Morente.