Masayang Pinoy dumami-SWS

    Masaya ang nakararaming Filipino sa kanilang buhay, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
    Naitala ang record high na 94 porsyento (57 porsyentong talagang masaya at 37 porsyentong medyo masaya) ng mga Filipino na nagsasabing nasisiyahan sila sa kanilang buhay. Ang nagsabi ng hindi ay anim na porsyentong hindi nasisiyahan (5 porsyentong hindi masyadong masaya at 1 porsyentong talagang hindi masaya).
    Ang survey ay ginawa noong Disyembre 8-16 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.
    Ang 94 porsyentong naitala ang pinakamataas na naitala mula noong 1991. Bago ito ang rekord ay 92 porsyento na naitala noong Hunyo 1992.
    Noong Setyembre 2017, ang naitala ay 90 porsyentong masaya (40 porsyentong talagang masaya at 50 porsyentong medyo masaya) at 11 porsyentong hindi masaya (9 porsyentong hindi masyadong masaya at 1 porsyentong talagang hindi masaya).
    Sinabi naman ng 93 porsyento na sila ay satisfied sa kabuuang ng kanilang buhay (56 lubos na nasisiyahan, 37 porsyentong medyo nasisiyahan) at pitong porsyentong hindi nasisiyahan (6 hindi masyadong nasisiyahan at 1 porsyentong hindi talaga nasisiyahan).
    Ang mga respondent ay tinanong kung “Sa kabuuang kayo po ba ay Lubos na Nasisiyahan, Medyo Nasisiyahan, Hindi Nasisiyahan o Hindi Lubos na Nasisiyahan sa buhay na inyong nararanasan.”

Read more...