NATANONG si Joshua tungkol sa isyung kinasangkutan nina John Estrada at Mylene Dizon na balitang nagkainitan sa taping ng kanilang teleserye.
“Labas po ako diyan. Sorry. Hindi ko alam na may ganyang nangyari, actually. Walang nagsasabi sa amin. Wala akong masasabi diyan,” diin ng aktor.
Nabanggit ni Joshua na sa umpisa pa lang ay alam na nilang mamamatay ang karakter ni John bilang si Anthony Buenavidez pero hindi raw niya alam na kaya pinatay ang veteran actor ay dahil sa isyu nila ni Mylene.
“Pero siyempre, nakakalungkot na hindi mo na makakasama sa taping,” sabi ng aktor.
Nabanggit ni Joshua na maganda ang samahan nilang lahat sa TGS, “Iba na ‘yung samahan namin kasi sa lahat ng eksena ay nagtutulungan kami, mapadrama, kahit ano pa ‘yan. Walang kumpetensiya sa amin.
“May kanya-kanya kaming highlights. Binibigyan kami ng sarili naming eksena at ang maganda po, kapag eksena ng isa, ibinibigay talaga namin. Hindi kami nang-aagaw ng eksena,” sabi ng aktor.
Inamin din ni Joshua na kinausap silang dalawa ni Loisa Andalio ng production dahil napansing nagkakailangan sila sa kanilang mga eksena, “Kinausap kami at okay na kami ngayon. Nag-uusap na kami, magkaibigan na kami maski off-cam,” say ng binata.
Sabi ng aktor abangan daw ang episode ng The Good Son sa Biyernes dahil ibabandera na kung sino talaga ang killer ni Victor Buenavidez (Albert
Martinez).
Anyway, nasa Bali, Indonesia si Joshua ngayong Semana Santa at napangiti lang siya nu’ng tanungin namin kung sino ang makakasama niya. Kung tama ang hula namin, siguradong sila ni Julia Barretto ang magba-bonding sa Holy Week.