Porn video ipinalabas sa billboard sa Makati

Napahinto ang ilang mga motorista at commuters sa paligid ng Executive Building Center in Makati Avenue, Makati City nang may aksidenteng napalabas na porn sa isang digital billboard alas-2 kahapon Martes.

Nahuli-cam naman ito ng isang netizen na si Mulong Sermonia kung saan kinuhaan niya ang pagpapalabas ng bold.

Mapapanood sa kuha niyang video ang isang lalaking nakahubad na aktong nakikipag-sex. Hindi naman nakilala ang lalaki sa sex video dahil natakpan ito.

Sa ulat ng INQUIRER sinabi ni Sermonia na maraming motorista at commuter ang napahinto dahil dito.

Hindi pa alam kung resulta ba ito ng hacking, biro o pagkakamali sa operator ng billboard.

Read more...