Bakit kailangang sumigaw ni Richard bilang host ng Binibini?


NAGING isyu ang “pasigaw” na style sa pagho-host ni Richard Gutierrez sa nakaraang Binibining Pilipinas 2018 coronation night. Co-host niya sa event si Pia Wurtzbach.

Maraming netizens ang nag-react at nagtanong kung ano raw ba ang “problema” ng aktor at parang galit siya habang nagho-host dahil nga sa pasigaw na pagsasalita nito.

Ang kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez ang sumagot sa mga netizens na tumutok din sa grand coronation. Sa kanyang Twitter, ipinaliwanag ng beauty queen-actress kung bakit kailangang taasan ni Richard ang boses habang nagho-host.

“Talking to @teamgutierrez now – they have a break while the judges are deliberating. He said mahina yung audio. Pia & Chard can’t hear themselves speak so sometimes they need to raise their voices. Calling audio people…Yoo-hoo! #BbPilipinas2018,” ani Ruffa.

Read more...