Jessie J gusto uling makatrabaho si KZ: Let’s do some work together!

JESSIE J AT KZ TANDINGAN

KAHIT na namaalam na si KZ Tandingan sa singing competition ng China na Singer 2018, buhay na buhay pa rin ang mga hataw na performance ng dalaga sa mga Chinese at iba pang mga lahi na kanyang pinabilib.

Isa talaga sa mga pinahanga ni KZ sa Singer 2018 ay ang kanyang idol na si Jessie J na nakalaban din niya sa contest. Nalungkot ang international singer nang matanggal sa kumpetisyon ang Asia’s Soul Supreme.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Jessie J kay KZ nang i-announce na tanggal na siya sa contest sabay sabing, “You are amazing. We know each other now. Stay in touch please. Let’s do some work together. I’d love that.”

Nag-post din si Jessie J ng madamdaming mensahe sa kanyang Instagram account tungkol sa naging experience niya sa Singer 2018. Aniya, “Having the time of my life doing the show ‘SINGER’ in a China with these amazing people. Life is about experience. Doing things that break away from the norm and the expected in this industry. Bridging a gap between two very different cultures.

“Opening the door for other international artists to be on this show. That’s what I’m proud of. Challenging myself every week. SINGER is the biggest singing TV show in the world. With a viewership of up to 250 million a week. It’s been life changing for me in so many ways. Thank you China for embracing me with all your heart,” aniya pa sa caption ng selfie photo niya kasama ang iba pang contestants ng Singer 2018.

Read more...