Du30 tutol sa divorce

TUTOL si Pangulong Duterte sa isinusulong na divorce law sa Kongreso matapos naman itong lumusot sa Kamara.

“Ayaw po sana niyang magkomento, pero since nagbotohan na naman na sa Kamara, ang Presidente po ay tutol sa divorce. Ang sabi po niya: ‘kawawa po iyong mga anak; at kung magkakaroon ng divorce, mawawalan po ng karapatan na magsampa ng kaso iyong mga asawa na pinabayaan ng mga asawa nila matapos nilang mag-divorce.’ So iyan po ang posisyon niya,” sabi ni Presidential Spokespeson Harry Roque.

Ito’y matapos lumusot sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang divorce bill.

Read more...