Updated: 4 patay sa sunog sa Manila Pavilion-opisyal

APAT ang patay samantalang 18 iba pa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa Manila Pavilion hotel kaninang umaga, ayon sa opisyal  ng  Manila Disaster Risk and Reduction Management (MDRRMO).
Sinabi ni MDRRMO Director Johnny Yu na nakapagtala na sila ng 17 nasugatan dahil sa sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng hotel-casino.
Isinugod ang mga biktima sa Manila Doctors Hospital at  Manila Medical Center, ayon kay Yu.
Kinilala ni Yu ang dalawa sa mga nasawi na sin Jun Evangelista, treasury officer; at Billy de Castro, intern security.
Idinagdag ni   Yu na dead on arrival ang dalawa matapos makaranas ng suffocation.
“Based sa report kasi, maybe these are the two responders or ito yung dalawang unang nakakita nung apoy,” sabi ni Yu.
“So natrap ‘yan malamang, nagkaroon ng suffocation, nailabas, dinala sa hospital, dead on arrival,” ayon pa kay Yu.
Sinabi ni Yu na may mga tao pa ring nakakulong sa ika-limang palapag ng hotel.
“Around 19 to 20,” dagdag ni Yu, kaugnay ng mga pinaghahanap pang mga biktima.
Kinumpirma ni Yu na kabilang sa mga nawawala ay ang dalawang operator ng CCTV, na sina  Mark Sabido at  Joe Cris Banang.
Base sa datos ng Manila Police District (MPD), isinugod ang  17 indibidwal, kasama ang tatlong nasawi sa Manila Doctors Hospital ganap na alas-4 ng hapon.
Nagsimula ang sunog ganap na alas-9:30 ng umaga at umabot ng Task Bravo ganap na alas-11:30 ng umaga.
Patuloy pa ring inaapula ang apoy habang isinusulat ang balitang ito.

Read more...