7 pelikulang Pinoy pipiliin sa 2018 ToFarm Filmfest | Bandera

7 pelikulang Pinoy pipiliin sa 2018 ToFarm Filmfest

Ervin Santiago - March 18, 2018 - 12:30 AM


PITONG pelikula ang pipiliin ng selection committee para sa 3rd ToFarm Film Festival.

Ito ang inanunsyo ni ToFarm filmfest chairman Dr. Milagros How sa ginanap na grand launch kamakailan sa Shangri-La Hotel sa Makati. Ito’y may temang “A Tribute Life: Parating Na!”

“TFF” is the only advocacy-driven film festival in the country, with entries showcasing the lives, journey, trials and triumphs of the Filipino farmer.

Ayon kay Dr. How, ang 2018 ToFarm filmfest ay dedicated kay Direk Maryo J delos Reyes, ang nagsilbing Festival Director sa unang dalawang taon nito.

“I personally thought it’s best to carry on what direk Maryo started. The festival would be a continuation of his vision for the farmers and four our film industry. This is our tribute to him.

“You’re always alive in us, and we’re sure, you’re smiling in heaven. At maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa ToFarm Film Festival. Hanggang sa muli, mabuhay ang magsasakang Pilipino! At mabuhay ang pelikulang Pilipino!” ang bahagi ng speech ng kilalang Socio-Entreprenuer.

Kasabay nito, proud ding ipinakilala ni Dr. How ang bagong Festival Director ng ToFarm, ang actress-scriptwriter na si Bibeth Orteza habang itinalaga naman bilang Managing Director si Direk Joey Romero.

“Naramdaman ko kasi na madali silang kausap, kasi mafe-feel mo naman agad na magkakasundo kayo e. Malaking bagay yun na marami akong tanong pero hindi ako natakot na baka hindi nila ako masagot,” sabi pa ng founder ng To Farm.

Ayon naman kay Bibeth, “extra challenge” ang ipagpatuloy kung anong nasimulan ni Direk Maryo sa ToFarm film festival, “I’m stepping into really big shoes here, so I’d rather not say that I’m replacing him. I’m not not also taking his place. I’ll just be a festival director. Sabi nga ng mahal nating si Inday Badiday, ‘The original is best!” ani Bibeth.

Sabi raw sa kanya noon ni Direk Maryo, “Hoy, bakla! Sa unang ToFarm, nandoon ang asawa mo, artista ni Dennis Marasigan. Sa 2nd ToFarm, nandoon ang anak mo sa ‘Baklad,’ artista ni Topel Lee.

“Bakla, kailangang next year, nandoon ka na sa ToFarm,” ayon pa kay Bibeth na nakasama sa cast ng unang pelikula ni Maryo J na “High School Circa ‘65.”

“I am very thankful for this opportunity and this privilege to serve the farming community. We are nothing if not for our farmers,” dagdag pa niya.

Sa April 20, 2018 ang deadline ng submission of scripts. Ipadala lang sa ToFarm Secretariat Office, 10th Floor, Harvester Corporate Center, 158 P. Tuazon St. corner 7th and 8th Av., Cubao, QC.

Samantala, sa May 9 na ia-announce ang 12 scripts na nasa shortlist. Sa May 23 ang announcement ng pitong official entries.

Magsisimula naman ang festival proper (theatrical screening) ng pitong entries mula Sept. 12 to 18 at sa Sept. 15 naman ang festival awards and closing ceremony sa Makati Shangri-La Hotel.

For more information about the festival, log on to www.tofarm.org.

In fairness ha, karamihan sa mga pelikulang lumaban sa ToFarm filmfest ay umani na rin ng parangal mula sa iba’t ibang international film festival at award-giving bodies here and abroad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kabilang na riyan ang “Pauwi Na”, “Pitong Kabang Palay”, na idinirek ni “Paglipay”, “High Tide”, “Instalado” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending