TULOY ang plano ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño na magkaroon ng sariling baby.
Ngayong nag-resign na ang OPM singer bilang chairman ng National Youth Commission, siguradong mas mapagtutunan na ni Ice ang iba pang mahahalagang bagay sa kanyang personal na buhay, lalo na ang married life nila ni Liza.
In fairness, habang tumatagal ay mas lalo raw tumitibay ang relasyon nila ni Liza. Ito’y sa kabila rin ng pagka-busy ng kanyang misis bilang chairwoman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang isa raw sa sikreto nila ay “communication”.
“Kasi kami naman ni Liza we love to talk. As in we love talking to each other. So kami naman, yun yung maganda sa amin. Kapag done na ako with work tapos siya may work pa rin, I go with her, I drive her around. Kasi you have to make time.
“Hindi siya yung puwedeng pag may time ako gagawin ko. You have to make time for it kasi if hindi, yung hahayaan mo lang yung circumstance na magbigay sa ‘yo ng oras, walang mangyayari. So it’s really an effort,” paliwanag ni Ice sa panayam ng ABS-CBN.
Hirit pa niya, “Actually ngayon, para sa akin mas gumanda yung flow kasi parang Liza really found her balance now that she’s with FDCP. She’s doing something very special to her. She’s leading the community na mahal namin pareho and to greater heights so I’m just very happy that she’s achieving all these things and a woman like her who’s so smart and so passionate, talagang there’s nowhere to go but up. So I just enjoy watching her from the sidelines,” chika pa ni Ice sa nasabing interview.
At tungkol sa pagkakaroon ng asriling anak, kahit na nga meron na silang Amara (anak ni Liza sa una niyang partner), pinaplano pa rin nila ito sa pamamagitan ng IVF or In Vitro Fertilization.
“Liza will be the surrogate. Plano namin yung before we got married. We already have a girl so we would want a boy pero kung ano ibigay ‘di ba?” sey ni Ice.
“There’s always been a plan naman. Ang naging problem namin was na-appoint kami. So na-move ng na-move ng na-move but gusto talaga namin. So if not this year then maybe next year. Na-mo-move siya pero hindi nawawala yung plano,” chika pa ng OPM icon.