Ara dedma sa mga lalaki: Ang babae nakakapagpigil naman!


STAR-STUDDED ang first anniversary ng Hazelberry Café ni Ara Mina sa Quezon City.

Ang dami niyang celebrities na bisita. Miss Friendship pala si Ara kaya naman ang daming dumalo sa anniversary party ng café niya. We spotted Martin Nievera, Gladys Reyes, Christopher Roxas, Jan Marini, Jenny Miller, Paul Salas, Jaycee Parker, former That’s Entertainment stars Jojo Abellana, Gary Berena, Brylle Mondejar. Present din si Mayor Patrick Meneses na dating dyowa ni Ara who was with their daughter Mandy.

Umapir din ang father ni Ara na si Chuck Mathay and we were finally introduced to him. Kami kasi ang nagsulat na ama ni Ara si Chuck.

Ang sarap ng best seller na velvet cupcake at oreo cake ni Ara. Talagang dinadayo pala ito sa kanyang café.

Anyway, natanong si Ara kung gusto pa rin niyang magpakasal.

“Dati dream ko pero ngayon bahala na. Hindi mo masasabi kasi ‘yan, eh. Kapag nagkaroon ka ng spark sa isang guy or nagkagusto ka, doon mo na maiisip ‘yang mga wedding-wedding, eh. Siyempre, lahat ng mga babae ay gustong makasal.

“Ang babae naman nakakapagpigil, alam mo na. Puwedeng magbusy-bisihan. Ako, nagha-hiking ako, nagbe-bake. Magkakaroon pa ba ako ng time sa love life. Happy lang ako kasi wala akong problema,” sabi ni Ara.

Read more...