KZ Tandingan tanggal na sa singer 2018: Mabuhay pa rin ang Pilipinas!

KZ TANDINGAN

NATANGGAL na last Friday si KZ Tandingan sa biggest singing search sa China, ang Singer 2018.

“I will never forget this experience!” Ito ang huling sinabi ng Asia’s Soul Supreme nang hingan siya ng final message matapos ngang ma-eliminate sa nasabing contest.

Sa kanyang final performance sa Singer 2018, kinanta ni KZ ang “Royals” (Lorde). Muli pinabilib ng Pinay singer ang audience sa kanyang powerful number pero tila hindi pa ito sapat para makapasok uli siya sa Top 4.

“My tears are a mix of happy and sad tears because I’m going to miss all of you. I hope to see you guys again. I love you,” aniya pa.

Bago ang kanyang final performance, maraming naantig sa panayam kay KZ kung saan ikinuwento niya kung gaano sila kahirap noon. Sa kakulangan ng pera, hindi nila mapaayos ang pinto ng kanilang bahay kaya gumagamit lang daw sila ng plywood para pantakip sa kanilang tahanan.

Inamin din niya sa panayam ng Singer 2018 kung gaano siya kaemosyonal noong nalaman niyang meron siyang polyp na naging sanhi kung bakit hindi na siya makabirit nang todo.

Sa kanyang Twitter account, ibinandera ni KZ ang kanyang nararamdaman matapos matanggal sa nasabing contest, “I close my eyes because faith is seeing for me. I did everything I could, but the results are out of our control. Im going home tomorrow with a happy heart.

“This won’t be the last time the world will hear a Filipino sing her heart out. Thank You Lord! Mabuhay ang Pilipinas!”

Bukod kay KZ, natsugi rin sa naganap na double elimination episode ng Singer 2018 si James Li.

Read more...