Iya nanakawan sa loob ng toy store


NABIKTIMA ng magnanakaw si Iya Villania habang nasa loob ng isang toy store kamakailan.

Dinukot daw ng isang lalaki ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag na nakapatong sa stroller ng kanyang anak na si Primo.

Ibinalita ng TV host-actress ang masaklap na insidente sa kanyang Instagram account kasabay ng pagpo-post ng itsura ng snacther sa pamamagitan ng screen shot mula sa CCTV footage ng nasabing toy store.

Makikita sa nasabing litrato ang isang lalaking may salamin na unti-unting lumapit sa stroller ni Primo at dinukot ang cellphone sa kanyang bag.

Ani Iya, “He was working with three other girls who are the first ones to spot the item and then distract the sales people while this guys steps in to take the item.”

Ayon pa sa misis ni Drew Arellano, mabuti na lang daw at walang nangyari sa kanila ng kanyang anak at cellphone lang ang nakuha ng magnanakaw.

Dagdag pa ni Iya, ito raw ang dahilan kung bakit ilang araw din siyang hindi nag-post ng mga bagong video ni Baby Primo sa kanyang Instagram.

Pinayuhan din niya ang mga mommy na tulad niya na mas maging maingat ngayon kapag nasa labas ng bahay, lalo na kapag kasama ang mga anak, “Be careful guys! And let’s keep an eye out for each other!”

Read more...