Iñigo sa relasyon nila ni Maris: Soulmates kami!

IÑIGO PASCUAL AT MARIS RACAL

ANY moment ay magsisimula nang mag-shooting si Iñigo Pascual para sa bago niyang pelikula under Star Cinema. Ang nali-link sa kanya na si Maris Racal ang makakapareha niya sa direksyon ni Boy2 Quizon.
Ilang taon na rin ang nakalipas nu’ng huling gumawa ng pelikula si Inigo. Then, nalinya na siya sa pagkanta, nag-hit naman ang sarili niyang composition na “Dahil Sa ‘Yo.”

“Actually, it came out from nowhere po, e. When I decided to do movies parang naisip ko, ‘Ano bang pwede kong gawin na bago? Siyempre magsusulat pa rin ako ng music. That’s something I really want to fight for kasi talagang I’m in love with music and OPM, of course,” lahad ni Iñigo.

Bukod sa Star Cinema movie nila ni Maris, may isa pa siyang pelikula na nakatakdang gawin this year, marami raw script ang ipinadala sa kanya.

“Pero ‘yung sa amin ni Maris, abangan na lang nila kung ano po ang role namin. Basta exciting po. ‘Yung loveteam namin ni Maris sa movie, mas nakakatawa lang. ‘Yung tipong bully-bully kami sa isa’t isa.”

Natawa naman si Inigo nang tanungin namin kung official na silang magkarelasyon.

“You know, I can’t even answer that. Ang masasabi ko lang po is naiintindihan namin ‘yung isa’t isa.

Parehas kaming busy sa ginagawa namin. Saka masaya kami na wala kaming expectations. Sa aming dalawa kung anong meron kami, sobra naming minamahal ‘yun,” aniya.

Kung bibigyan daw ng label ang relasyon nila ni Maris, sabi ni Iñigo, soulmate daw sila ng dalaga.

Read more...