Anak ni Binoe kay KC: Inspirasyon ka sa lahat ng kababaihan!

 

KC CONCEPCION

PURING-puri ng madlang pipol si KC Concepcion nang kumalat ang mga litrato niya na kuha habang isinagawa ang charity program nila sa Marawi City kamakailan. Isa na rito ang photo kung saan sinamahan ng dalaga sa pagkain ang mga bata roon.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni KC ang naging experience niya sa pakikipag-bonding sa mga batang Marawi sa pamamagitan ng ilang photo. Isa nga rito ay nilagyan niya ng caption na: “Some of our problems are nothing compared to what these people have gone through. And yet, they choose to be happy. Keep your circle positive and always choose to be happy.”

Nakasama ni KC si Chef Tony Boy Escalante at ang World Food Programme para sa feeding program nila sa ilang bahagi ng Marawi.

Samantala, saludo rin ang anak ni Robin Padilla na si Queenie sa ginagawang pagtulong ni KC sa mga batang biktima ng giyera. Ipinost pa niya ang litrato nito na naka-hijab.

“She looks absolutely stunning in hijab. 10 years she has served in the UN. What a wonderful achievement! Keep shining and flying @itskcconcepcion you are beautiful inside and out and an inspiration for Filipino women,” caption ni Queenie sa kanyang IG post.

Read more...