‘The Ant Man’ star kinilala ang ‘powers’ ni Whang-Od

EVANGELINE LILLY AT WHANG-OD

BINIGYAN ng pagkilala ng Hollywood star at Ant Man And The Wasp actress na si Evangeline Lilly ang iconic tradional tattoo artist na si Whang-Od.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng kilalang international star ang litrato at sketch ng mukha ni Whang-Od gamit ang hastags na #beauty, #age at #power.

Pinabilib ng sikat na oldest mambabatok sa Kalinga Province si Evangeline dahil sa kabila nga ng edad nitong 101 ay patuloy pa rin nitong ibinabandera ang tradisyon ng pagta-tattoo sa pamamagitan ng “batok”. Kilalang-kilala na ngayon si Apo Whang-Od sa buong mundo.

Hindi naman nabanggit ni Evangeline kung nakapagpa-tattoo na siya kay Whang Od, pero aniya talagang malapit sa kanya ang Pilipinas dahil halos isang buwan din siyang nanirahan sa Palawan kasama ang isang missionary group.

“When I was 18, I went to the Philippines for three weeks. I was on the island of Palawan and lived in the jungle with tribal people, which was incredible,” sabi ng Canadian-born Hollywood star sa isang panayam.

Bukod sa upcoming Marvel movie “Ant-Man And The Wasp”, napanood din si Evangeline Lilly US TV series na Lost, at sa mga pelikulang “The Hurt Locker” (2008), “Real Steel” (2011), “The Hobbit” at “Ant-Man” (2015).

 

Read more...