Nababahala ang nakararaming Pinoy na mauwi sa armadong labanan ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 84 porsyento (44 porsyento na talagang nababahala at 40 porsyento na medyo nababahala) ang natatakot na sumiklab ang gera sa pagitan ng dalawang bansa.
Hindi naman nababahala ang 16 na porsyento (4 porsyento na talagang hindi nababahala at 12 porsyentong medyo hindi nababahala) sa gulong ito.
Natatakot naman ang 88 porsyento na madamay ang Pilipinas sa guro ng dalawang bansang ito (55 porsyento na talagang nababahala at 33 porsyento na medyo nababahala).
Samantalang ang hindi natatakot na madamay ang Pilipinas ay 11 porsyento (2 porsyento na talagang hindi nababahala at 9 porsyentong medyo hindi nababahala).
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 8-16 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa isa pang survey, ang Estados Unidos pa rin ang pinaka pinagkakatiwalaang bansa ng mga Pilipino (68 porsyentong net trust rating) at ang North Korea ay hindi (-19 net trust rating).
Pinoy nababahala sa US-NoKor war, baka madamay ang PH
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...