Sa isang briefing matapos ang pagharap sa preliminary hearing sa Comelec law department, iginiit ni Aquino na isinagawa ang pagbili ng Dengvaxia noong Marso 9, 2016, bago ang disbursement ban na epektibo noong Marso 25, 2018.
“Nataon lang na dun natapos lahat ng proseso eh… The job of protecting the people’s health cannot be held in abeyance by elections. It doesn’t stop because it is an election year,” ayon pa kay Aquino.
Nauna nang kinasuhan si Aquino at iba pang dating opisyal sa ilalim ng kanyang administrasyon sa Comelec dahil umano sa paglabag sa election ban matapos ipatupad ang Dengvaxia program sa kasagsagan ng pangangampanya noong 2016.
“Pati pagsuot ng dilaw na damit, ginawa pong reklamo… klaro namang harassment lang ang punto. Tama marahil ang sinasabi ng ilan na di katarungan ang layunin ang layunin dito kundi ang magpapansin para ma-appoint sa puwesto. Klaro rin po na ang nararapat na hantungan ng ganitong reklamo ay ang basurahan. Inaasahan po nating gagawin ng Comelec ang tama at yan ang idismiss ang reklamo sa lalong madaling panahon,” giit ni Aquino.
Binatikos din ni Aquino ang reklamo sa pagsasabing hindi rin malinaw ang ikinakaso laban sa kanila.
“Basahin nyo yung complaint tignan nyo kung may laman,” dagdag ni Aquino.
MOST READ
LATEST STORIES