200 pasahero ng MRT pinababa

Pinababa ang may 200 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga.
    Ayon sa MRT pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue southbound alas-5:37 ng umaga.
    Nakasakay naman ang mga pasahero sa sumunod na tren makalipas ang limang minuto.
    Nagkaroon ng electrical failure sa motor ang tren.
    Umaabot na sa 10 tren ang tumatakbo sa mga riles ng MRT mula sa pinakamababang lima dahil sa kakulangan ng piyesa para maayos ang mga ito.
      Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng audit at assessment ang TUV Rheinland upang malaman kung ligtas na patakbuhin ang mga Dalian train na binili ng nakaraang administrasyon.
    Bukod sa Dalian train ay pinag-aaralan din ng Rheinland ang buong sistema ng MRT upang mapatino ang sistema.

Read more...