Magnitude 4.7 lindol naitala sa DavOcc

    Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang Davao Occidental kagabi.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:37 ng gabi.
    Ang sentro nito ay 232 kilometro sa silangan ng bayan ng Jose Abad Santos. May lalim itong 109 kilometro kaya hindi naramdaman sa ibabaw ng lupa.
      Walang inaasahang aftershock ang PAGASA sa pagyanig na ito.

Read more...