CHARICE: Alam kong matatanggap din nila ako, handa po akong maghintay kahit gaano katagal


HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagkikita o nakakapag-usap sina Charice at Mommy Raquel. Ibig sabihin, hindi pa rin maayos ang relasyon ng mag-ina matapos nga silang magkaroon ng matinding away dahil sa mga naging desisyon ni Charice sa kanyang personal na buhay.

Ayon kay Charice,  wala pang pagkakataon para magkausap sila muli ng kanyang ina, pero tulad nga ng lagi niyang sinasabi, hindi niya pipilitin si Mommy Raquel na makipagbati sa kanya. Alam niya na grabeng nasaktan ang kanyang nanay sa mga nangyari sa kanila.

“‘Di naman po ako magsisinungaling. ‘Di po okay. Pero nandu’n naman always yung hope ko po, na alam ko eventually magiging ok lahat. And basta ang ine-expect ko po ngayon hindi naman agad na maayos ng ganun kabilis dahil naiintindihan ko po yung nararamdaman nila.

“Sa akin po ang gusto ko sabihin sa kanila pwede po nila kunin lahat ng time na gusto nila, ng gaano katagal, maghihintay po ako. Siyempre, gagawa po ako ng effort para maayos po lahat. Ang gusto ko lang sabihin sorry na disappoint sila.

“Pero eto po talaga si Charice na anak niya, at si Charice na kapatid po niya, ni Carl so para po sa akin family is family always,” pahayag ni Charice sa The Buzz noong Linggo. Pero sa kabila nito, mukhang hindi naman masyadong affected ang international singer sa magulo pa ring relasyon nilang mag-ina dahil bongga naman ang kanyang lovelife.

Mula naman daw nang umamin siyang tomboy, mas na-feel niya ang pagiging blessed, “So far po, sobrang blessed po, di ko po maexplain. Basta alam ko po nagpapasalamat ako na ginawa ko yung napakarisky na move na yun. Kasi po walang regrets talagang masasabi ko po sa sarili ko, yes, I did the right thing.”

Halos lahat naman ng mga taga-industriya ay suportado ang pag-come out ni Charice, kaya nga tuluyan nang nawala ang takot niya na baka tuluyan nang mawasak ang career niya dahil sa kanyang pag-amin, “Gusto ko magpasalamat sa lahat, pero specifically po gusto ko magpasalamat sa mga Filipinos kasi po nung nag-decide ako na mag-come out.

Yun po talaga yung isa kong naisip na natakot ako sa magiging reaction ng fellow Filipinos po, pero sa pinakita po nila sa aking suporta, unexpected na suporta nga gusto ko pong magpasalamat talaga, as in sobrang pasasalamat ko po kasi parang isa yun sa malaking rason kung bakit ako nakahinga ng maluwag.

Dahil din sa suporta ng mga Filipinos sa akin,” sey pa ng singer. Isa naman sa wish ngayon ni Charice ay ang makatrabaho sa isang concert ang kanyang utol na si Aiza Suguerra. Naging guest kamakailan si Charice sa show ni Aiza at sinabi nito na dream come true ito para sa kanya.

“Nangyari po yun sa Greenbelt. Isa lang po ang masasabi ko, dream come true po. Kaya nagpapasalamat po ako kay Aiza for giving me that opportunity na makapagperform po with her. Sana hindi yun ang last. Sana maulit po,” pag-asam pa ni Charice.

Ibinalita rin sa The Buzz ng international singer ang mga susunod niyang projects, isa na nga diyan ang kanyang bagong album, isang major show sa Germany at ang pagkanta niya sa isang animated film sa Amerika, “Yung po isa di pa ko pwede magbigay ng details pero narecord ko na po siya dito po sa Philippines.

Tinulungan po ako ng mga producers po na nasa LA po sila through Skype.  “Para po yun sa isang animated film sa US. Bukas po magpa-fly po dito yung musical director ko na si Choi Loreta, kapalit po siya ni Chesa. Start na po namin yung album ko dito sa Philippines,” sey pa ni Charice.

Read more...