Magnolia Hotshots nakuha ang 2-1 semis lead

NAKUHA ng Magnolia Hotshots ang 2-1 bentahe matapos daigin ang NLEX Road Warriors, 106-99, sa  Game Three ng kanilang 2018 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinangunahan ni Jio Jalalon ang Hotshots sa itinalang 25 puntos habang nag-ambag si Ian Sangalang ng 24 puntos.

Namuno naman para sa Road Warriors si Kiefer Ravena na kumana ng 20 puntos.

Read more...