Mas malaking plaka sa motorsiklo inaprubahan na

Inaprubahan na ng House committees on transportation at on public order and safety ang panukala na lakihan ang mga plaka ng motorsiklo na kalimitang ginagamit sa mga krimen.
    Sa ilalim ng panukala, ang mga motorsiklo na walang malaking plaka ay huhulihin at ii-impound ng Land Transportation Office.
    Ang nagmamaneho nito ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawa at sa ikatlo ay P15,000 multa at kanselasyon ng lisensya.
    Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, ang namuno sa binuong technical working group para sa panukala, ang LTO ang tutukoy ng tamang sukat ng plaka na ikakabit sa mga motorsiklo.
    “We felt that specifying the size of the plate at this time would restrict the LTO in what size of plates they will use. During discussions with the LTO, we agreed that the specific size should be based on a study that should be undertaken by the LTO,” ani Biazon.
    Ang requirement ng panukala ay dapat mababasa ng maayos ang plaka sa layong 12 metro.
    Ang panukala ay ipadadala na sa plenaryo para pagdebatehan at pagbotohan sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Read more...