Isinilbi ng mga opisyal at kawani ng munisipyo ang closure order sa Barangay Balabag, isa sa tatlong barangay sa isla.
Noong isang buwan, nagtungo si Environment Secretary Roy Cimatu sa resort at ipinag-utos ang demolisyon ng mga iligal na istraktura kasama na ang mga nakatayo sa mga rock formation.
Kinansela rin ng DENR ang 25-taong Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT) na ibinigay sa resort na sakop ang 998 square meters.
Inapela ng may-ari ng resourt na si Crisostomo Aquino ang desisyon sa Office of the President kung saan ito nakabinbin.