Pagtuturo ni Robin ng Tagalog sa anak trending sa social media


CUTE ang dating ng mag-amang Robin Padilla at Isabelle habang tinuturuan ng actor ang anak niya ng Pilipino.

Kumalat ang video ng dalawa habang tinuturuan ni Robin si Isabelle mag-Tagalog. Isang book ang hawak ng anak ni Robin at mayroon itong photo ng cat. Tinuturuan niya na bigkasin ng anak ang “pusa” pero makulit ang kanyang daughter at panay ang sabing “meow”.

Tuwang-tuwa ang fans ni Robin sa bonding moment nila ng kanyang daughter.

“Great job Idol.”

“Si Robin po ay nakapag aral at si Robin po ay marunong mag English, talagang gusto nya lang gamitin ang sarili nating wika!”

“Natawa ako sabi ni Robin pusa sabi naman ni Isabelle ‘meow’. Wahaha!”

“Hahaha! Ang cute nya, ayaw nya ng pusa, kaya meoww talaga mabuti na lang ang bait ng ama matiaga. Sarap nila panuorin mag ama.”

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay inihabilin na ni Leo Tabayoyong (Robin) ang kanyang mga kapatid sa kanyang best friend na si Ryan Bang. Madedestino kasi siya sa malayo. Super happy rin siya na successful ang operation ni Tam.

Read more...