SSS pensioners ,di na kailangang mag ACOP

UPANG makatipid sa oras at gastusin, ang mga retiradong pensiyonado ng Social Security System (SSS) na 84 anyos pababa at naninirahan sa Pilipinas ay hindi na kailangan pang pumunta sa mga sangay ng SSS o bangkong kinukunan ng pensyon para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) na kailangang gawin para tuloy-tuloy na matanggap ang kanilang buwanang pensiyon.

Ang mga retiradong pensiyonado na naninirahan sa Pilipinas ay patuloy na tatanggap ng kanilang buwanang pensiyon kahit na hindi mag-ACOP sa SSS o sa kanilang mga bangko.

Ang pagtanggal ng ACOP bilang requirement para sa mga retiradong pensiyonado dito sa Pilipinas ay isang paraan para mas maayos at dekalidad ang serbisyo sa ating mga miyembro. Ang bagong panuntunan ay hindi lamang makatutulong sa mga pensiyonado na makatipid sa panahon at gastusin kundi mababawasan din ang bilang ng mga transaksiyon sa branch offices

Ngunit ang mga retiradong pensiyonado na naninirahan sa ibang bansa, gayundin ang mga total disability pensioners sa Pilipinas, survivor pensioners pati na ang kanilang mga dependent child kasama na kanilang legal guardian ay kinakailangan pa ring mag-

Pupuntahan ng mga kawani ng SSS ang mga retiree pensioners na 85 taong gulang pataas na naninirahan sa Pilipinas para sa ACOP compliance.

Bibisitahin din ng mga taga-SSS ang mga survivor pensioner na hindi na kayang mag-report ng personal sa SSS branch dahil sa sakit o katandaan.

Magsasagawa rin ng Medical Fieldwork Service (MFS) o pupuntahan ng SSS doctors sa mismong bahay ang total disability pensioner para makasunod sa ACOP.

Ang ACOP ay isang programa na nag-aatas sa mga pensiyonado na taunang mag-report sa SSS upang masigurong tuloy-tuloy ang pagbibigay ng kanilang benepisyo. Ipinatupad ito noong 2012 upang maiwasan na ang tumatanggap ng buwanang benepisyo ay ang mga hindi dapat makinabang dito.

Batay sa SSS Circular No. 2017-012, ang iskedyul ng ACOP para sa mga retiradong pensiyonado na naninirahan sa ibang bansa at total disability pensioners ay sa buwan ng kanilang kapanganakan; para naman sa mga survivor pensioners, kinakailangan nilang mag-comply sa buwan ng kapanganakan ng namatay na miyembro; samantalang ang mga menor de edad o incapacitated dependent pensioners ay kinakailangang mag-report kasama ang kanilang tagapag-alaga sa buwan ng kapanganakan ng miyembro o namatay na miyembro.

Gayundin, pinahihintulutan ang ACOP anim na buwan bago ang iskedyul dahil itinuturing itong maagang pagsunod ng pensiyonado. Kailangan lamang ay ay sumunod siya sa ACOP noong nakaraang taon.

Para naman mga naputol na pensiyon, lahat ito ay ibabalik sa bank account ng pensiyonado kapag nakapag-ACOP na.

Para sa mga pensiyonado na naninirahan sa ibang bansa, maaari silang mag-ACOP sa pamamagitan ng Video Conference para sa mas madali at mabilis na compliance sa ACOP upang maiwasan anf suspensiyon.

Ang ACOP-VC ay pasilidad na inilunsad noong Disyembre 2015 para sa mga pensyonadong nakatira sa ibang bansa para makasunod sila sa taunang pagreport sa SSS kahit hindi na sila umuwi o magsumite ng mga dokumentong authenticated ng Philippine consulate sa ibang bansa.

Para magamit ang ACOP-VC, kinakailangan na may “SKYPE” account ang pensyonado para maisagawa ang online interview. Dapat magawa ang ACOP-VC interview sa loob ng buwan ng kapanganakan ng retiree pensioner o ng namatay na pensyonado kapag death pension.

Kailangang mag-set ng appointment ang pensyonado sa SSS sa pamamagitan ng pag-send ng email sa ofw.relations@sss.gov.ph o member_relations@sss.gov.ph at ilagay sa subject line “Skype (ACOP), pangalan ng pensioner at SS number.

Umabot na sa halos 2.3 milyon ang pensiyonado ng SSS sa pagtatapos ng Pebreroo 2018 at nakapaglabas na ng halos P10.4 bilyon halaga ang penson fund para sa benepisyo ng mga pensiyonado.

SSS Pres. and Chief Executive Officer Emmanuel F Dooc
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

Read more...