NAGPAKITA ng mahusay na paglalaro si Carlo Biado sa finals kontra sa kababayang si Jundel Mazon para itala ang 13-11 panalo at tanghaling kampeon sa Jogja Open 10-Ball International Billiard Tournament 2018 Linggo sa Rama Billiard sa Yogyakarta, Indonesia.
“First of all I would like to thank God for winning this presitigious international billard tournament. My wife is who always beside me and my relative and friends as well,” sabi ng 34-anyos na tubong La Union na si Biado na naging ikalimang Pinoy cue artist na nagwagi ng world 9-ball title matapos talunin ang kababayang si Roland Garcia, 13-5, sa 2017 World 9-Ball Championship na ginanap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar nitong Disyembre.
Bago nakapasok sa all-Filipino finals sa Jogja Open ay kinailangang talunin ni Biado si Ricky Yang ng Indonesia, 11-5, sa semifinals habang naungusan ni Mazon ang kapwa Pinoy na si Hushley Jusayan, 11-9, sa kanilang Final Four matchup.
Tungo sa pag-angkin sa Jogja Open 10-ball title ay natamo ni Biado ang top prize na $12,000 habang nakamit ni Mazon ang $6,000 premyo.