Magnolia tumabla sa NLEX

TINAMBAKAN ng Magnolia Hotshots ang NLEX Road Warriors, 99-84, para itabla ang kanilang best-of-seven semifinals series ng PBA Philippine Cup sa 1-all Lunes ng gabi  sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nagbida para sa Magnolia si Paul Lee na may 27 puntos, kabilang ang apat na tres.

Muling maghaharap ang Hotshots at Road Warriors para sa Game 3 sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Read more...