Dalawa yata ang naging birthday celebration ni John Lloyd Cruz. ‘Yung una yata ay ilang piling friend ang naroroon, including Gretchen Barretto. La Greta even posted some photos sa kanyang Instagram application na kasama si John Lloyd. Pero ang nakakaintriga, bigla nitong dinelete ang isang photo ni Lloydie, bakit kaya?
Sabi sa isang website ay wala si Angelica Panganiban sa birthday celebration na iyon ni John Lloyd. Bakit kaya? Naku, baka ayaw nitong magkita sina Angelica at La Greta lalo pa’t nagkaroon ng issue noon ang dalawa because of Derek Ramsay. But that is water under the bridge na, ‘di ba?
Teka, baka naman ayaw ni La Greta na naroroon si Angelica because she will feel uneasy lalo pa’t tila nagkaroon ng panibagong wall between them when Gretchen lavished John Lloyd with praises nang mag-guest ang binata sa The Buzz. Anyway, sa kanyang photo sa Instagram ay ipinakita ni Angelica how sweet she is as a girlfriend of Papa Lloydie.
She posted a photo na kuha ni direk Ruel Bayani sa isa pang birthday celebration yata ni Jhn Lloyd na nag-kiss sila nang lips to lips. Ang dami ngang kinilig sa photo nilang ‘yon. Despite rumors na shaky ang relationships ng dalawa ay going strong pa rin naman pala sina Angelica at John Lloyd.