Donny: Hindi ko ginagamit si Kisses!

DREAM come true para sa baguhang Kapamilya young actor na si Donny Pangilinan ang maging bahagi ng Star Magic 2018.

Si Donny ay anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan at isa nga siya sa mga bagong talents ng Star Magic na ipinakilala sa ginanap na media conference last Sunday.

Excited na ang binata sa mga gagawin niyang proyekto sa ABS-CBN, kabilang na nga riyan ang pagtatambal nila ng former PBB Lucky Season 7 housemate na si Kisses Delavin, at magiging ka-love triangle rin nila ang isa pang bagong talent ng Star Magic 2018 na si Tony Labrusca.

Wala naman daw isyu kay Donny kung may “kaagaw” siya agad kay Kisses bilang ka-loveteam, “I think it’s okay to work with people. There’s no problem in doing that. That’s what’s happening naman right now. We are testing kasi wala pa naman pong final na love team. We are testing what happens.”

Sinagot din ni Donny ang tsismis na ginagamit lang daw niya si Kisses para mas mabilis sumikat, “I don’t think I’m using anyone. I think it’s a teamwork. We should all work together. No one’s going against each other. It’s not a competition on who can get there first. I’m just again very blessed that God has put me in this position, and Kisses is an amazing person as well.”

Promise ni Donny, gagawin niya ang lahat para maging proud sa kanya ang mga magulang. Handa na raw siyang harapin ang mga challenges na ibibigay sa kanya ng Star Magic.

Aside from hosting, he also likes acting, sports and music. Sa ngayon, regular na napapanood ang binata bilang VJ sa MYX Channel. He also appears on ASAP as one of its Chillout hosts.

Read more...