GUWAPO pa rin at may malakas na appeal, pero ayon sa mga kababayan nating nakasabay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa airport ay malaki ang nadagdag na edad sa aktor, bukod pa sa parang panipis na nang panipis ang kanyang buhok.
Kung dati raw ay mataas na ang hairline ni Lloydie pero nagagawan lang ng paraan ng kanyang hairdresser ay ibang-iba na ngayon ang kanyang buhok, nangangailangan na raw ng hair transplant ang sikat na aktor, para maiwasan ang maaga niyang pagkakalbo.
“Siya pa rin ang John Lloyd na hinahangaan ng mga Pinoy, maganda naman kasi talaga ang kumbinasyon ng pagsikat niya. Guwapo na, super-galing pa niyang umarte.
“Bibihira lang naman ang ganu’n, karamihan, e, kaguwapuhan lang ang puhunan. Si Lloydie, guwapo na, e, napakagaling pang umarte!
“Pero halatadong medyo tumanda siya, nawala ang freshness niya, alam mo ‘yung feeling na sa sobrang pahinga, e, parang napabayaan pa nga niya ang katawan niya?
“Saka ang hair niya, mataas na ang noo niya, halatado nang konting panahon pa at mapapanot na siya. Well, mayaman naman siya, may magagawa siyang paraan para sa pataas nang pataas na niyang hairline,” pagpansin ng aming source.
Anuman ang sabihin, John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz pa rin, ‘yun lang.