Angelica, Carlo magka-date sa Australia


MULING kinilig ang fans nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban nang makarating sa kanila na magkasamang nagbabakasyon sa Australia ang dalawa.

Base sa mga Instagram post ni Carlo nitong nakaraang Linggo, mukhang enjoy na enjoy nga sila sa kanilang Australia trip.

Isang litrato ni Angelica ang ipinost ni Carlo sa IG kung saan tila nag-eemote ang aktres.

Maraming nag-like at nagkomento sa nasabing photo. May mga nagsabing baka nga totoo ang chika na nagkakamabutihan na uli ang dalawa kaya naman nagpe-pray daw sila na maging sila na lang uli.

Read more...