Wishcovery champ mananalo ng P2M, house & lot, kotse at Star Music recording contract


NAPILI na ang limang masuswerteng amateur singer para sa pinag-uusapang “Wishcovery (Your Road to Stardom Starts Here)” talent competition, ang first ever online singing competition ng FM radio station, Wish 107.5.

Sa ginanap na media conference ng Wish 107.5 kamakailan, ipinakilala ang tinaguriang Wishful 5 na binubuo nina Hacel Bartolome, Carmela Ariola, Louie Anne Culala, Kimberly Baluzo at ang Wild Card winner na si Princess Sevillena.

Sila ang maglalaban-laban sa grand finals na magaganap sa March 27 sa Araneta Coliseum. In fairness, bongga rin ang papremyo ng Wish sa kauna-unahan nilang online singing search kabilang na riyan ang P2 million worth of cash and contract house and lot at brand-new car.

Bukod dito makakatanggap din ang first-ever Wishcovery grand winner ng round-trip ticket sa New York, USA plus an extensive musical training. At ang pinakabongga sa lahat, magiging contract artist din ang Wishcovery champion ng Star Music.

Mula sa libu-libong nag-audition noong September, 2017, 20 lang ang pinili para sa pre-qualifying round kung saan dumaan sila sa matitinding vocal clashes na ginanap sa loob mismo ng Wish 107.5 Bus.

The scores for these rounds were determined through the cumulative scores of the competition’s resident reactors na kinabibilangan nina Jay R, Jungee Marcelo, at ang isa sa member ng The Company na si Annie Quintos – and through their YouTube views their Wish Bus performances have garnered.

Sa isang episode ng online singing search na ito hosted by the Prince of R&B Kris Lawrence, lahat ng natanggal na Wishful contestants ay nabigyan ng chance para muling makapag-perform sa Wishcovery’s Wild Card edition. Sa round na ito, ang mga scores ng contenderd ay ibinase lamang sa naging desisyon ng judge-reactors.

Bago pa maganap ang finale, nagkaroon ang Wishful 5 ng opportunity na magkaroon ng mini-concert sa kanilang respective hometowns. The show featured up-and-coming artists tulad nina Jireh Lim, Shamrock’s Marc Tupaz at Jayson Fernandez.

Ayon sa broadcast journalist at Wish executive na si Daniel Razon, ang nag-conceptualize sa Wish 107.5 singing competition, “Wishcovery is not just a singing contest but this is also our pride as Filipinos because Wishcovery is going to be your gateway to the world.”

Ang bonggang online competition na ito ay napapanood tuwing Sabado, 9 p.m. sa Wish 107.5’s YouTube page. Lahat ng performances at episodes nito ay naka-upload na sa Wish 107.5 YouTube channel, which recently surpassed the 2 million subscriber-mark.

Read more...