Pia 16 taon ang hinintay bago magbida sa pelikula: Kailangan ko munang mabigo at matalo! | Bandera

Pia 16 taon ang hinintay bago magbida sa pelikula: Kailangan ko munang mabigo at matalo!

|March 12,2018
facebook
share this

Pia 16 taon ang hinintay bago magbida sa pelikula: Kailangan ko munang mabigo at matalo!

- March 12, 2018 - 12:01 AM

MAHIGIT 16 na taon ang hinintay ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach bago nabigyan ng malaking break sa pelikula.

Kung hindi pa siguro siya nanalong Miss Universe ay hindi pa siya makapagbibida sa MMFF 2017 entry ng Star Cinema na “Gandarrapido: Revenger Squad” kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

Sa nakaraang presscon ng ikalawa niyang pelikula sa Star Cinema na “My Perfect You” katambal si Gerald Anderson, hindi napigilan ang maiyak habang ikinukuwento ang naging journey niya sa mundo ng showbiz at pageant world.

“I’ve always wanted to be a beauty queen. “Alam naman ng lahat na gusto ko siya, pero yung ini-aim ko noong mga panahon na ‘yon na nagdi-dream lang ako ng Miss Universe, artista na ako noong bata ako at gusto ko talagang magkaroon ng lead role, magkaroon ng movie, ganyan.

“So I can say that before Miss Universe, this was my first dream. Nu’ng malaman nga ng kapatid ko, nu’ng mapanood niya yung trailer ng My Perfect You, sabi niya, sobrang proud niya, kasi alam niya na matagal na matagal ko nang gusto ito,” sey ng beauty queen-actress na tuluyan nang napaluha.

“I am so grateful kasi parang now I understand why I had to go all through all of those challenges and pagkatalo kasi, dadating din pala at the right time, so I’m so happy.

“Yung sa labas, nakita ko yung malaking billboard pagdaan namin, sabi ko, ‘Never did I imagine na makikita ko ang sarili ko diyan.’

“For some reason, nakatatak sa isip ko na Miss Universe ako, I will win the crown. Pero yung makita ko ang sarili ko sa billboard sa movie, sabi ko, ‘Oh my God, nandiyan ako!'” pahayag pa ni Queen P.

Samantala, na-hurt si Pia nang sabihan siyang mataba ng direktor ng “My Perfect You” na si Cathy Garcia-Molina, “Pero totoo naman, eh. Kasi galing ako sa bakasyon nu’n so nu’ng una niya akong nakita mataba talaga ako.

“Tanggap ko yun at saka yun yung lagi kong sinasabi din sa set na parang ang taba ko. Pero insecurity ko na rin yun ng everyday of my life. Kasi ganu’n talaga eh pag beauty queen lahat napapansin sa sarili mo.

“I appreciate her honesty at dahil nga sobrang totoo niya, pag nagsabi naman siya ng good thing, alam mo na totoo talaga at namnamin mo yun kasi minsan lang yun,” natawang sabi pa ng bagong leading lady ni Gerald.

“Sa isip ko meron akong list ng mga mentors na sobrang nirerespeto ko at ginagalang ko at kasama sa list na yun yung ilan sa mga nag-train sa akin sa pageant na hindi niyo na kilala. Pero meron akong list of people in my head na pag sila ang nagbigay sa akin ng advice nakikinig talaga ako.

“Parang parent na rin yung tingin ko sa kanila. And I would say na si direk Cathy ang pinakabagong na-add du’n sa list ko na hindi lang niya ako tinuruan kung paano umarte sa pelikula na ‘to, pero ang dami rin niyang naturo sa akin na life lessons. Kailangan mo siya ma-experience eh, para maintindihan n’yo yung sinsasabi ko about her,” chika pa ni Pia.

Showing na ang “My Perfect You” sa March 14 nationwide. Kasama rin dito sina Janus del Prado, Wilma Doesnt, Half Rice at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol ito sa binatang si Burn (Gerald) na gagawa ng isang random out of town road trip matapos mawasak ang kanyang puso dahil sa isang heartbreak at pagbasak ng kanyang career. Dito makikilala niya si Abi (Pia), ang cool na cool na may-aru ng Happy Sunshine Camp.

Ang kanilang pagkikita nila ang magiging daan upang muling lumigaya si Burn. Ngunit paano kung ang ikalawang pagkakataon sa pag-ibig ay isa ring pagkakataon upang siya ay masaktan? In fairness, trai-ler pa lang ng movie ay bentang-benta na sa madlang pipol kaya nangangamoy blockbuster na naman ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending