Horoscope, March 12, 2018 | Bandera

Horoscope, March 12, 2018

Madam Sophia |March 12,2018
facebook
share this

Horoscope, March 12, 2018

Madam Sophia - March 12, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos kang pinagpala! Sa isang hindi sinasadyang sitwasyon makakaranas ka ng isang nakakikilig na relasyon. Sa pinansyal sa isang dati ng kakilala malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Mapalad ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” White at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Tanggapin ang alok ng isang kaibigang Sagittarius, pagkakataong mo ng umunlad. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Kikita ka ng malaking halaga kung ipipilit mo ang iyong gusto. Sa pag-ibig at pinansyal, sa sandaling na-ging independent ka na, magsisimula ka ng umunlad at habang buhay na lumigaya. Mapalad ang 9, 12, 17, 26, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Green at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Sa pinansiyal, wag asahan ang salaping hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap. Mapalad ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Wagiswari-Padme-Om”. Red at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi ka dapat panghinaan ng loob, ituloy mo lang ang iyong ginagawa, malapit mo nang maabot ang iyong pangarap. Sa pag-ibig wag paghinalaan ng hindi maganda ang kasuyo. Sa pinansiyal, utuin ang kasuyo upang magbigay siya ng dagdag na pera. Mapalad ang 7, 16, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Namah-Om-Namo.” Indigo at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Puro ka pangarap, hindi naman yan ang mahalaga, sa halip ang mas mahalaga ay maipatupad mo at maisakilos ang iyong pangarap. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyo. Sa pinansiyal, umpisahan na ang negosyong noon mo pa bi-nabalak. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Gold at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, minsa pa maiisip mong mahalaga pala ang salapi upang magkaroon ng isang masaya at pang habang buhay na relasyon. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Wala ng pinaka-mahalagang bagay sa buhay na ito kundi pera.” Green at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Upang ma-refresh ang isip at damdamin, laging makinig ng musika. Ang mga love song music at classic ang magpapalakas ng iyong enerhiya na siya at ito rin ang aakit ng dagdag suwerte at magagandang kapalaran. Mahiwaga mong mantra: “If the King love music, it is well with the land.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Magtiwala sa kasuyo, makaka-tsamba din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi mo bibigyan ng encouragement ang kasuyo paano uunlad ang inyong buhay? Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Krishnaya.” Blue at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kapag palagi namamasyal at nabibili mo ang mga gamit na noon mo pa balak na bilin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero romantic na relasyon. Suwerte ang 9, 12, 21, 31, 37, at 40. Mahiwaga mong mantra, “Abrakadabra!” Red at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pinansyal nakatakda na sa iyo ang yumaman. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 2, 17, 22, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra, “Namo-Loes-Sawa”. White at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng isip at rason. Sa pinansiyal, gamitin ang salapi upang magpakaligaya. Mapalad ang 1, 7, 22, 37, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Green at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang kasalukuyang ginagawa at dagdagan pa ang effort, ito ang panahong tuloy-tuloy kang susuwertehin at uunlad ng todo. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 8, 17, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Sahana-Vavatu-Om.” Blue at red ang buenas na kulay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending