Lacson sa terror tag ng DOJ sa 600 katao: Trabahong tamad | Bandera

Lacson sa terror tag ng DOJ sa 600 katao: Trabahong tamad

- March 11, 2018 - 04:10 PM
BINATIKOS ni Sen. Panfilo Lacson ang  Department of Justice’s (DOJ) matapos ang petisyon nito na humihiling sa Manila court na ideklara ang mahigit 600 indibidwal bilang terorista. “It’s nothing but a preliminary action of the DOJ. Ang napansin ko lang dun karamihan yung medyo matatagal ng opisyal ng CPP/NPA/NDF (Communist Party of the Philippines/ New People’s Army/National Democratic Front of the Philippines) sila Baylosis, mag-asawang Tiamzon,” sabi ni Lacson sa isang panayam sa dzBB. Tinawag pa ni Lacson na trabahong tamad ang ginawa ng DOJ. “Karamihan (sa nasa petition) yung mga leaders eh, mas maganda leaders sa ground. Kailangan pa ng malawakang pag-imbestiga at intelligence work. Dun nagkulang ang petition… Pwede ko ngang sabihin parang trabahong tamad eh. Ang ginawa nila old files, yung mga files na inaamag sa court,” dagdag ni Lacson. Kabilang  sa listahan ng DOJ ay sina  Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, ang umano’y lider ng CPP na sina Benito at Wilma Tiamzon, UN Special Rapporteur Victiora Tauli-Corpus at indigenous peoples’ rights advocates Beverly Longid, Windell Bolingit at abogadong si Jose Molintas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending