INULAN ng batikos ang magdyowang sina Billy Crawford at Coleen Garcia matapos lumabas ang kanilang pre-nup photos na kuha sa Simien Mountains sa Ethiopia, Africa.
Ayon sa ilang netizens, “offensive, inappropriate and insensitive” ang kanilang mga larawan lalo na ang paggamit nila sa mga babae at batang Ethiopian bilang background ng kanilang pre-nup photos.
Ipinost nina Billy at Coleen ang nasabing mga litrato sa kanilang Instagram accounts pero burado na ang mga ito sa ngayon. Ngunit ilan sa kanilang followers ang nag-screen shot ng ilan sa mga ito at ni-repost sa kanilang social media accounts kasabay ng pamba-bash sa celebrity couple.
Ayon sa ilang netizens, isa itong maliwanag na discrimination at pagpapalaganap ng maling mensahe tungkol sa mga local inhabitants sa Simien Mountains.
Dagdad pa ng ibang nakakita ng mga litrato, maling-mali na gamitin bilany “props” ang mga batang Ethiopian sa pre-nup shoot ng dalawa.
Sey pa ng isang netizen, “I don’t think we should all admire a prenup photoshoot making background props out of Ethiopian women & children. These photos are heartbreaking & enraging at the same time. I understand that prenup photoshoots get so extra these days but to this extent?”
Base sa ulat, ang Simien Mountains ay isa sa mga World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) dahil sa cultural significance at biodiversity conservation nito.
May ilan namang nagtanggol kina Coleen at Billy at magsabing wala naman silang nakikitang masama sa pre-nup photos ng dalawa. Wala naman daw silang masamang intensyong makasakit at siguradong wala sa isip ng magdyowa ang mang-discriminate ng kapwa. – EAS