Kris nag-share ng ‘secret diet’ para natural ang pagpayat

KRIS AQUINO

MARAMING netizens ang pumuri sa kapayatan ngayon ni Kris Aquino, lalo na sa bagong TV commercial nito para sa Ariel kung saan nakasuot ito ng all white dress. In fairness, pinag-uusapan ngayon sa social media ang nasabing TV ad na ginawa para sa International Women’s Day.

May ilang followers si Kris sa social media na nagtanong kung ano ang sikreto niya sa kanyang pagpayat. Sey ni @sweettooth_edna, “You’re so payat na Miss Kris…what’s your secret?”

Ito naman ang naging sagot ni Tetay, “Self control. My main meal was at 3PM. When I got home I had milk & Milo Nutri Up.

“Last night we had Japanese food for dinner – I enjoyed my salmon sashimi and gindara teriyaki. I’m careful about food intake because I had blood pressure issues, but since I’m also borderline anemic I need beef at least 3x a week.”

“We have a lot of fresh fruits and organic vegetables at home.”

Samantala, maraming nagkomento na kinilabutan sila sa Ariel commercial ni Kris, lalo na ang mga nanay na may mga hugot sa buhay. Anila, nakaka-boost ng morale ang ginawang #AhonPinay TV ad ng Queen of Social Media.

Read more...