Heart ayaw masira sa misis ni Jericho


HINDI hahayaan ni Heart Evangelista na wasakin ng mga bashers at haters ang magandang relasyon nila ngayon ng asawa ni Jericho Rosales na si Kim Jones.

Ito ang dahilan kung bakit naka-disable na ang comments section ng isang Instagram post ni Heart kung saan kasama niya sa litrato si Kim Jones at ang celebrity stylist na si Liz Uy.

May caption ang nasabing IG post ng Kapuso actress na: “I’m grateful that my work allows me to collaborate with such talented women.”

May isang follower si Heart na nagtanong kung bakit naka-disable ang comments section sa IG post ng aktres, hindi raw tuloy sila makapagkomento sa tungkol sa litrato.

Sinagot naman siya ni Heart ng, “Because I will not allow faceless accounts trash something so positive.”

Si Echo ay ex-boyfriend ni Heart, na happily married na rin kay Sen. Chiz Escudero. Nagkaroon ng chance na makilala ni Heart ang misis ni Jericho sa isang showbiz event na kanilang dinaluhan ilang buwan na ang nakararaan.

Nang kumalat ang litrato kina Heart, Echo at Kim sa social media na kuha sa nasabing event, marami ang nam-bash sa kanila at kung anu-anong masasamang salita ang ibinato sa kanilang tatlo.

Read more...